Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hangganAnyo at kulay ng mundo sa'yoy pinagkaitanHuwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyanIsang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan[Chorus]Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundoMarami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutalPatungo sa hinahangan na buhay na banalIbigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawinSigaw ng puso't damdamin wala sa'yong pumapansinSampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikingganPipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman(Repeat Chorus)Ano sa'yo ang musika, sa'yo ba'y mahalagaMatahimik mong paligid, awitan ay 'di madinigMapala ka, o kaibigan, napakaingay ng mundoSa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo(Repeat Chorus 2x)